-- Advertisements --

Lalo pang bumagsak ang temperatura sa Cordillera Administrative Region sa huling linggo ng 2025, batay sa pagtaya ng state weather bureau.

Nitong Disyembre-29, nairehistro sa Agromet Station (PAGASA) sa La Trinidad, Benguet ang pagbagsak ng temperatura hanggang 10.6 °C, isa sa pinakamababang teamperaturang naitala sa ilalim ng kasalukuyang umiiral na hanging amihan.

Ayon pa sa weather bureau, mas mababang temperatura pa ang pinaniniwalaang naitala sa ibang lugar tulad ng Atok, matapos mabalot ng andap ang maraming lugar, lalo na sa mga mas matataas na elevation.

Sa Baguio City na tinaguriang Summer Capital of the Philippines, nagrehistro ito kahapon ng 14.2 degrees Celsius.

Ayon sa weather bureau, posibleng lalo pang mas malamig ang mararanasang klima sa naturang rehiyon sa susunod na taon habang patuloy ang paglakas ng umiiral na amihan na pangunahing nakaka-apekto sa Central at Northern Luzon.