Naoya Inoue nonito donaire

GENERAL SANTOS CITY – Excited na ang kampo ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr ang pag-akyat ng ring mamayang gabi para harapin ang Japanese Champion na si Naoya Inoue.

Ayon sa Ama nitong si Nonito Dodong Donaire na may kahinaan ang kalaban na may one punch knockout kayat ibinalik nito ang speed ng Filipino Flash.

Dagdag pa nito na malaki ang bentahe ni Nonito sa experience, talino dahil mabasa nito ang kilos ng kalaban. Sinabi din ni Dodong na naibalik na nito ang liksi ng mga kamao ni Junior.

Ito umano ang kadahilanan na wala na silang hintayin kundi ang pag-akyat sa ring ng kanyang anak.

Gagawin ang laban ngayong gabi sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan.

Una nang sinabi ng Japanese boxer na isang knockout win ang gagawin nito kay Nonito “Filipino Flash” Donaire sa kanilang laban para sa World Boxing Super Series bantamweight title fight.