-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang senior high school teacher matapos mabundol ng isang sasakyang ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) Surigao del Norte Division.
Nakilala ang bikimang si Lucita Josue na nagturo sa Surigao del Norte National High School ng Surigao City habang ang suspek naman na syang nagmamaneho ng kanyang sasakyan ay si Dr. Dominico Larong, Curriculum Implementation Division (CID) chief ng DepEd-Surigao del Norte Division.
Napag-alamang pababa na sana ng covered pathway ang biktima nang biglang sumalubong sa kanya ang sasakyan kung kaya’t ito’y napuruhan.
Inantay na lamang ng pulisya ng Surigao City ang susunod na hakbang na gagawin ng pamilya ng biktima.