Umanib na rin ang dalawang independent senators sa Minority bloc bago ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court ngayong Lunes, Mayo 18.
Kabilang dito sina Senator Juan Miguel Zubiri at Senador JV Ejercito.
Bago ang pagdedeklara niya ng kaniyang pag-anib sa minority bloc, nilinaw ni Zubiri na ang kaniyang pag-abstain sa nakaraang botohan ng liderato ay upang magkaroon ng kalayaang bumoto sa mga isyung mahalaga sa taumbayan, subalit nais niyang mapabilang sa Senate Minority Bloc pagdating sa organisasyon.
Iginiit naman ni Sen. JV Ejercito ang kaniyang independence para magampanan nang maayos ang kaniyang tungkulin at mga programa.
Pinasalamatan din niya si Sen. Cayetano sa tiwala at kumpiyansa sa kaniya sa pag-alok na maging Majority leader, na isa sa pinaka-makapangyarihang posisyon sa Senado, na kaniyang tinanggihan para manatiling independent.
Sa huli, pinili ni Ejercito na mapabilang sa Minority bloc nang tanungin ni Senate President Alan Peter Cayetano kung siya ay mananatiling independent o sa minority.
Bunsod nito, kasalukuyang 11 na ang miyembro ng minority bloc habang nasa 13 naman ang miyembro ng majority bloc.
Sa kasalukuyan, si Senator Vicente Sotto III ang tumatayong Minority leader habang si Sen. Jeol Villanueva naman ang nagsisilbing acting Majority leader.
















