-- Advertisements --

Nilinaw ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na wala silang namo-monitor na destabilization activities kaugnay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, at wala ring banta mula sa mga aktibong sundalo.

Ayon sa kalihim, nananatiling propesyonal ang militar sa kabila ng mga political issue, sabay giit na wala nang hurisdiksyon ang DND sa mga retiradong sundalo.

Giit pa ni Teodoro, karamihan sa retirees ay hindi nasasangkot sa anti-government activities at patuloy na sumusuporta sa mga security initiatives ng DND.

Samantala, inaasahang ma-transmit na sa Senado ngayong linggo ang Articles of Impeachment para sa paglilitis matapos aprubahan ng mayorya ng mga kongresista nitong Lunes.