Hinimok ng Palasyo Malacañang si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na lumantad na at harapin ang mga kaso laban sa kaniya.
Ito ang binigyang diin ng Palasyo gaya ng dating mga naging pahayag noon ni Senador Robin Padilla.
Sa isang press briefing ngayong Lunes, sinabi ni Palace Press Officer at Communications USec. Claire Castro na bilang dating nagsilbing hepe ng pambansang pulisya, dapat alam ni dela Rosa na may valid warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC) at kung wala siyang kasalanan ay dapat siyang lumabas.
Nagbabala rin ang Palace official na kung tangkain ni dela Rosa na tumakas ng bansa, aarestuhin siya base na rin sa Department of Justice.
Ayon pa kay USec. Castro, iginagalang ng Pangulo at ng administrasyon ang nakabinbing kaso sa Korte Suprema ngunit hindi aniya kailangang tumakas ng senador palabas ng bansa.
Kasalukuyan nakasama si dela Rosa sa listahan ng wanted persons ng ICC kaugnay sa crimes against humanity may kaugnayan sa drug war ng Duterte administration.
















