Binanatan ng singer na si Taylor Swift si US President Donald Trump kasunod ng pahayag nito na dapat barilin ng mga otoridad ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Nangyari ang pahayag ng US President matapos ang pagsiklab ng malawakang kilos protesta dahil sa pagkasawi ng isang black American na si George Floyd ng ito ay daganan leeg ng pulis gamit ang tuhod nito.

Tinawag pa ni Trump na mga “Thugs” ang mga nagsasagawa ng kilos protesta kaya kapag nagsagawa sila ng looting ay dapat na sila ay barilin ng mga kapulisan.

Ayon sa singer na tila ginagatungan pa ni Trump ang pagkakaroon ng mga kilos protesta dahil sa pahayag nito.