-- Advertisements --

Nakatakdang ikasal ang Hollywood’s most talked-about couples na sina Taylor Swift at Travis Kelce sa Hunyo 13, 2026, sa Ocean House, isang marangyang venue sa Watch Hill, Rhode Island.

Dahil aniya espesyal ito kay Taylor, bilang 13 ang kanyang suwerteng numero.

Balibalita rin na nagmamadali na umano ang magkasintahan na magpakasal, at iniulat na nais na ni Taylor na magkaroon ng mga anak sa lalong madaling panahon.

Magugunita na nagsimula ang kanilang relasyon noong kalagitnaan ng 2023, nang dumalo si Taylor sa isang game sa Kansas City Chiefs kung saan naglalaro si Travis.

Na-engage sila noong Agosto 2025 at inanunsyo ito sa pamamagitan ng isang joint Instagram post na may caption na, “Your English teacher and your gym teacher are getting married.”

Sa ngayon, patuloy ang pamamayagpag ni Taylor sa kanyang karera, matapos maibenta ang nasa 2.7 million kopya ng kanyang album na ”The Life of a Showgirl” sa unang araw ng release nito sa Estados Unidos.