-- Advertisements --

Itinanggi ni pop singer Taylor Swift na umayaw itong magtanghal sa Super Bowl Half Time Show.

Sinabi ng singer na walang nag-alok sa kaniya na magtanghal sa prestisyosong show.

Sa katunayan aniya ay may mahigpit na ugnayan ito sa rapper na si Jay-Z kung saan ang kumpanya nitong Roc Nation ang producers ng half-time show.

Wala aniyang magiging problema kung aalukin siya dahil sa makailang ulit na siyang nagtanghal doon.

Maraming fans kasi ang umaasa na magtanghal ang singer kasabay ng paglabas ng bagong album nitong “The Life of a Showgirl”.