CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinangako ng bagong itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na si incoming PDEA Director General Wilkins Villanueva na tatapusin nito ng matagumpay kung anuman ang nasimulan ng mga nasundan niya.
Kaugnay pa rin ito sa pinalakas na anti-drug war ng pamahalaan.
Ginawa ng Philippine Military Academy (PMA) Maringal Class of 1998 member na si Villanueva ang pahayag kaugnay sa hindi nito inaasahan na pagkilala ni Duterte sa kanyang kakayahan para pamunuan ang PDEA.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Villanueva na kung anuman ang naiiwan ng mga programa ni dating PDEA Director General Aaron Aquino ay pupunuan niya ito upang makuha ang hinahangad ni Duterte na maibsan ng malaki ang laganap pa riung iligal na droga sa bansa.
Si Villanueva ay naging aktibong law enforcer muna na nakadestino sa Northern Mindanao at ibang bahagi ng bansa bago pormal na pinasok ang mundo ng PDEA kung saan minsan na rin itong namuno sa National Capital Region noong nakaraang mga taon.