Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbuo ng inter-agency task force na siyang responsable sa paghahanda ng bansa sa makasaysayang paghost nito ng FIFA Futsal Women’s World Cup (FFWWC) ngayong taon.
Nakasaad sa Administrative Order 35 na ang task froce ay magsisilbng central body coordinating government sa pagpaplano, pag-organisa at pagpapatupad sa nasabing international tournament.
Magsisimula ang nasabing torneo mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 7.
Ang Task Force ay pamumunuan ng Philippine Sports Commission kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) bilang vice chair.
Ito ang unang pagkakataon na maging host ang Pilipinas ng FFWWCC na ang mga laro ay gaganapin sa Pasig City at sa Victorias City, Negros Occidental.
Aabot sa 16 na mga national futsal teams ang inaasahang lalahok sa nasabing torneo.