-- Advertisements --

Nahaharap ngayon sa reklamong plunder ang kasalukuyang kinatawan sa pangatlong distrito ng Tarlac na si Cong. Noel Rivera.

Personal na inihain ngayong araw ni Pyra Nucum Lucas ng United Pilipino Against Crime and Corruption o UPACC ang ‘plunder case’ sa Office of the Ombudsman.

Kabilang din sa kanyang mga inirereklamo ay ang asawa ni Cong. Noel Rivera na si Tarlac Vice Mayor Evelyn Rivera at district engineer ng Department of Public Works and Highways.

Ayon kay Pyra Nucum Lucas, complainant, ang pagsasampa ng reklamo ay buhat nang ma-awardan ng mga proyekto sa gobyerno ang Tarlac 3G Construction.

Kanyang ibinunyag na pagmamay-ari umano ito ng mag-asawang Rivera kung saan aabot sa higit 600-milyon Piso halaga ng mga proyekt ang nakuha.

Bukod sa plunder case, nahaharap din sila sa ma kasong administratibo tulad ng Abuse of Authority, Grave Misconduct, paglabag sa Government Procurement Act at iba.