-- Advertisements --

Pinagbawalan ng Taliban ang kababaihan ng Afghanistan na mag-aral sa mga unibersidad.

Ayon kay Minister for Higher Education, Neda Mohammad Nadeem na sila ay agad na susunod sa nasabing kautusan ng kanilang gobyerno.

Ang pagbabawal sa mga kababaihan ng higher education ay matapos ang nangyari noong mga nagdaang buwan na ilang libong mga kababaihan ang kumuha ng university entrance exams sa bansa kung saan karamihan sa kanila ay nais na maging guro at sa larangan ng medisina.

Ang bagong kautusan ay taliwas sa naging pangako ng Taliban na mula ng mamuno sila noong nakaraang taon ay sinabi nila ng magiging malambot sila sa paghihigpit sa mga kababaihan.