CENTRAL MINDANAO-Isang takas sa Maguindanao District Jail ang nasawi at isa ang nahuli nang manlaban sa mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang binawian ng buhay na si Thorag Sandalan Sabal alyas Erick Pasanggalan habang naaresto naman ang kanyang kasama na si Nasser Makabangen Usman.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Maximo Layugan na nagsagawa nang operasyon ang pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar sa lugar kung saan nagtatago ang mga suspek sa Brgy Olandang Midsayap North Cotabato.

Ngunit nanlaban sa mga otoridad si Sabal at nasawi habang nahuli naman si Usman.

Si Sabal, kasama ang anim na iba pang mga bilanggo, ay tumakas sa Maguindanao Provincial Jail sa lungsod ng Cotabato noong Mayo 24, 2018.

Itoy nahaharap sa mga kasong murder, illegal drugs at illegal possession of firearms.

Nakuha sa posisyon ni Sabal ang isang kalibre.45 na pistola habang .38 revolver naman kay Usman,mga bala,shabu at drug drug paraphernalia.

Agad kinuha ang bangkay ni Sabal ng kanyang pamilya habang nakapiit ngayon sa lock-up cell ng Midsayap PNP si Usman at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).