Nanawagan ang Taiwan sa ibang mga bansa ipagtanggol sila laban sa China.

Sinabi Taiwan foreign minister Joseph Wu na nagiging agresibo ang China para maangkin ang nasabing Taiwan.

Pinalakas pa ng China ang kanilang military threat laban sa Taiwan at mas pinatatag pa umano ng China ang kanilang military exercises sa region.

Kamakailan lamang umano ay mayroong mahigit 30 Chinese military planes, ang tumawid sa kanilang air defense identification zone na tinawag nitong isang pagbabanta.

Nauna ng sinabi ng China na kanilang teritoryo pa rin ang Taiwan at gagawa sila ng paraan para makuha ito gamitan man ng puwersa.

Malaki rin ang tiwala ni Wu na maaaring magkaroong sila ng labanan ng China kapag magpapatuloy ang pagbabanta.

Nangangamba rin ito na matapos ipatupad ng China ang security law sa Hong Kong ay baka sila na ang isunod.