ILOILO CITY-Nagpataw ng multa ang gobyerno ng Taiwan sa kanilang mamamayan na ikinukubli ang kanilang sakit na Coronavirus.

Ito ay kasunod nga paglobo ng nasabing sakit sa Taiwan kung saan 578 suspected 2019-nCoV cases at walo ang nagpositibo.

Ayon kay Bombo International Correspondent Jenjen Pastolero, direkta sa Taiwan, sinabi nito na naglabas ng babala ang gobyerno ng Taiwan na papanagutin ang kanilang mamamayan na nagmamatigas na sumailalim sa quarantine.

Malimit din umano ang paglabas nila Pastolero sa kanilang bahay lalo na at malapit sa kanila ang bahay ang pinakahuling biktima ng Coronavirus.

Mahigpit din umano ang pinapatupad na patakaran lalo na sa mga paliparan sa Taiwan.