Inanunsiyo ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, na umabot na sa mahigit isang milyon ang na-administered na Covid-19 vaccines sa kanilang siyudad.
Ayon kay Mayor Lino, as of September 7,2021 nasa 1,015,029 coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines ang naturok sa kaniyang mga constituents.
Ang Taguig ang pang-apat na siyudad sa bansa na nakamit ang 1 million mark sa vaccination kung saan nanguna dito ang Quezon City, Manila, at Caloocan.
“Taguig City attributes this milestone to the hard work of every healthcare and essential worker in the City who has largely contributed to contact tracing, vaccination efforts, and Taguig’s continuous implementation of the Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategy versus Covid-19,” mensahe ni Mayor Cayetano.
Siniguro naman ni Cayetano na magpapatuloy pa rin ang agresibong vaccination efforts ng siyudad sa lahat ng kanilang vaccination hubs.
“Taguig will continue to focus on community-based vaccination through the Taguig Mobile Vaccination Bus, Mobile Vaccination Team, and Home Service Vaccination for bedridden citizens. The City will continue to provide fast, safe, and accessible vaccination for every Taguigeño!” dagdag pa ni Mayor Lino.
Sa ngayon patuloy na bina-validate ng city government ang ratio ng mga first time na nagpa bakuna at maging sa mga naka kumpleto na ng kanilang bakuna.
Binigyang-diin ng alkalde na ngayong buwan ng September, target ng siyudad na makapag-administer ng second dose vaccine, 70% sa kabuuang populasyon ng Taguig.
Batay sa records ng Taguig City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU), ang Taguig sa ngayon ay may kabuuang 38,087 Covid-19 cases kung saan 35,765 dito ay naka rekober at nasa 297 naman ang nasawi.
Sa ngayon nasa 2,017 ang active cases sa siyudad.
Samantala, ayon sa vaccine recipient na si Maria Luisa Escalante, malaking proteksiyon sa kaniyang pamilya ang kaniyang pagbabakuna.
“Alam ko na mabibigyan ako ng proteksyon para maprotektahan ko rin ang pamilya mula sa virus. Malaki bagay na mabigyan nito, lalo na laganap ngayon ang Covid-19 at nakakatuwang malaman na libre ito. Kunin natin ang oportunidad na ito para magpabakuna,” wika ni Escalante.