-- Advertisements --
Labis ang kasiyahan ni Filipino-American baseball player Anthony Volpe dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Pinoy sa kaniyang pagbisita sa bansa.
Tinuruan ng 24-anyos New York Yankees player ang mga batang Pinoy na interesado sa larong baseball.
Aabot sa 200 mga kabataan ang dumalo sa libreng tennis camp na ginanap sa Felino Marcelino Sr. Baseball Stadium sa Taguig.
Nasa Pilipinas si Volpe para sa personal na pagdalo nito sa isang kasal ng kaanak.
Mananatili ito sa Pilipinas ng hanggang Enero 7 bago babalik sa New York at maghahanda sa nalalapit na Major League Baseball na magsisimula sa Marso 2026.
















