-- Advertisements --

Pumanaw si Japanese baseball star Shigeo Nagashima sa edad na 89.

Ayon sa dating koponan nito na Yomiuri Giants, na hindi na niya nakayanan ang pneumonia habang nasa pagamutan sa Tokyo.

Tinawag siyang Mr. Giants, kung saan nagwag ito ng siyam na sunod na titulo ng koponan mula 1960 at 70.

Naglaro ito ng kabuuang 2,186 na laro at nakagawa ng 444 home runs.

Taong 1974 ng ito ay magretiro matapos ang 17 taon na paglalaro kung saan nagwagi ito sa Central League sa loob ng anim na taon.

Isa sa mga nagpaabot ng kalungkutan at pakikiramay ay si Shohei Ohtani na siyang kasalukuyang sikat na baseball player sa Japan.

Nagpost ito sa kaniyang social media account ng larawan habang kasama ang namayapang baseball legend ng Japan.