-- Advertisements --
Itinalaga ng organizers ng 2028 Los Angeles Olympics si TV at film executive Peter Rice bilang mamumuno ng ceremonies and content.
Ito ang itinuturing sa unang pagkakataon na isang Hollywood figure ang mamumuno sa creative production ng Olympic at Paralympic ceremonies.
Magiging executive producer si Rice sa opening at closing ceremonies sa Los Angeles.
Tiniyak naman nito na magkakaroon ng mga pagbabago na ikakamangha ng mga manonood.
Ipinagmalaki nito ang karanasan niya sa ilang mga sporting events gaya ng Super Bowl, World Series at FIFA World Cup na siyang magbibigay tulong sa paghawak niya sa LA Olympics.