-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naging matagumpay ang pagho-host ng Ilocos Norte sa Little League Philippines Series 2026.

Sa official final results ng Little League Softball:

Champion – Bulacan
1st Runner Up – Aklan
2nd Runner Up – Agoncillo

Sa official final results ng Little League Baseball:

Champion – Tanuan City
1st Runner Up – Iloilo
2nd Runner Up – Camarines Sur

Sa official final results ng Minor League Baseball:

Champion – Tanuan City
1st Runner Up – Ilocos Norte Diamonds
2nd Runner Up – Pasig City

Kaugnay nito, sinabi ni Mrs. Helen Rose Domingo, pinuno ng Provincial Sports and Development Office, na handa ang lalawigan na mag-host ng isa pang national championship.

Una rito, humigit-kumulang 170 mga koponan na binubuo ng anim na libong manlalaro sa buong bansa.

Ito ang unang pagkakataon a nag-host ang Ilocos Norte sa national finals ng Little League Philippines matapos ang matagumpay na pagho-host ng Palarong Pambansa 2025.