-- Advertisements --

Nagtagumpay ang Los Angeles Dodgers laban sa Toronto Blue Jays sa isang makasaysayang 18-inning na laban sa World Series, matapos magpakawala si Freddie Freeman ng isang walk-off home run na nagbigay ng 6-5 panalo sa Dodgers noong Lunes.

Sa loob ng halos anim na oras at 39 minuto, naging marathon ang bakbakan sa Dodger Stadium, kung saan muling ipinamalas ni Freeman ang kanyang clutch performance, matatandaang siya rin ang tumapos ng laban sa pamamagitan ng walk-off grand slam noong nakaraang World Series.

Ang panalo ay nagbigay ng 2-1 lead sa Dodgers sa best-of-seven na serye ng Major League Baseball championship.

Nakatakda ang Game 4 sa Martes, kung saan inaasahang mas magiging matindi pa ang sagupaan habang papalapit sa kampeonato.

Sa kabila ng matinding pagod at tensyon, nanatiling matatag ang Dodgers at pinatunayan ang kanilang kakayahan sa mga mahahabang laban.

Samantala, ang Blue Jays ay kailangang bumawi upang mapanatili ang kanilang tsansa sa titulo.