Nagsumite ang ilang mga tagasuporta ni Mary Jane Veloso sa Korte Suprema ng ‘wit of habeas corpus’ ngayong araw.
Sa petisyong inihain sa Kataas-taasang Hukuman, kanilang kinuwestyn ang umano’y ilegal na pagkakadetene pa rin ni Veloso sa Pilipinas.
Kung kaya’t hiling nila sa Korte Suprema na silipin ang legalidad ng detensyon ni Mary Jane Veloso buhat nang ito’y maiuwi sa bansa.
Sa petisyon pinirmahan din ng kanyang pamilya, binigyang diin ng legal counsel nito ng National Union of Peoples’ Layers na ang patuloy na pagkakakulong ni Veloso ay hindi naayon sa batas.
Habang hinaing naman nila sa kasalukuyang administrasyon ang kawalan aksyon nito sa panawagan nilang paggawad ng ‘clemency’ kay Veloso.
Maaalalang si Mary Jane Veloso ay naaresto noong 2010 sa Indonesia dahil nahuli sa kanya ang 2.6 kilo ng heroin na ipinabitbit lamang raw ng kanyang mga recruiters pero hindi niya alam na may laman droga pala ang maleta.
Siya’y nakulong ngunit kalauna’y naiuwi pabalik sa Pilipinas matapos hilingin ng pamahalaan na siya’y pauwiin na lamang at dito ipagpatuloy ang detensyon.
















