Nagpaabot ng taus-pusong pakikiramay ang Embahada ng Israel sa Pilipinas sa pamilya ng nasawing Pinay caregiver na si Mary Ann Velasquez de Vera, matapos magtamo ng injuries nang tamaan ng Iranian missile ang kanyang apartment sa Tel Aviv, Israel.
Sa isang statement, kinilala ng Israel Embassy ang buong pusong pagtulong ng nasawing Pinay caregiver sa kaniyang pasyente para mailigtas ito sa kasagsagan ng retaliatory attack ng Iran.
Ang naturang insidente aniya ay isang malinaw na paalala na patuloy umanong naghahasik ng takot ang Iranian regime sa pamamagitan ng walang habas na pag-atake na tumatama maging sa mga sibilyan
Samantala, kinumpirma rin ng Israel Embassy na natukoy ang pagkakakilanlan ni Mary Ann ng kanyang asawa, na isa ring OFW sa Israel, kasama ang kanilang pamilya.
Saad pa ng embahada, tulad ng maraming overseas Filipino workers sa Israel, si Mary Ann ay inilarawang ehemplo ng katatagan, malasakit, at may tahimik na lakas.
Nakikiisa rin ang Israel sa matinding pagdadalamhati ng kanyang pamilya at ng Filipino community at sinabing pinararangalan at ginugunita nila ang alaala ni Mary Ann nang may dignidad at paggalang.










