-- Advertisements --

Binabalak ng IBF minimumweight champion na si Pedro Taduran na hamunin ang kapwa Pilipino na si WBC champion Melvin Jerusalem, sakaling hindi matuloy ang laban niya kontra Puerto Rican boxer na si Oscar Collazo.

Matapos matagumpay na madepensahan ang kanyang korona bilang IBF minimumweight champion, agad na nakatuon ang atensyon ng tubong Libon, Albay na si Taduran sa mas malaking entablado. Nais niyang makaharap si Collazo, ang kasalukuyang WBA champion na may malinis na rekord na 13-0.

Walang pangamba si Taduran at tiwala siyang kaya niyang talunin si Collazo.

Ngunit kung sakaling hindi matuloy ang laban kontra sa Puerto Rican boxer, balak ni Taduran na hamunin si Melvin Jerusalem upang sungkitin ang kanyang titulo at belt.