-- Advertisements --

Agad na nagsagawa ng pag-aaral ang Regional tripartite wage and productivity boards sa mga taas sahod ng mga manggagawa sa buong bansa.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) na agad silang tatalima sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ginawang pagdiriwan ng ika 123rd Labor Day, ay binanggit ng pangulo na tuloy-tuloy ang ginagawang pag-aaral ng Regional Tripartite Board.

Ipinagmalaki pa nito na mula noong nakaraang buwan ng Hunyo ay mayroong 16 na rehiyon na ang makapagpatupad ng taas sahod.

Natitiyak naman ng DOLE na kanilang minamadali at natutugunan ang anumang hirit na taas sahod sa mga manggagawa.