-- Advertisements --

Asahan ang panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa unang linggo ng Setyembre.

Base sa pagtaya ng Department of Energy, na maaring magtaas mula P0.20 hanggang P0.30 ang kada litro ng gasolina.

Habang mayroong mula P0.50 hanggang P0.60 naman ang pagtaas sa kada litro ng diesel.

Ganun din ang kerosene na tinatayang magtataas mula P0.50 hanggang P0.60 ang kada litro.

Itinuturong dahilan ng DOE ang paggalaw mula sa Organization of Petroleum Exporting Coutnes and allies (OPEC+) ganun din ang pagpataw ng taripa ng US.