-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.20 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.

Mayroon ding P0.80 naman na pagtaas sa kada litro ng diesel.

Habang ang kerosene ay mayroong pagtaas ng P0.20 sa kada litro ng kerosene.

Sinabi ni Department of Energy Assistant Director Rodela Romero na ang geopolitical tensiyon sa Gitnang Silangan ang siyang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis.