-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng dagdag-bawas ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.

Mayroong P0.30 na pagtaas sa kada litro ng gasolina habang ang kerosene ay mayroong P0.20 na bawas sa kada litro.

Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Ayon sa Department of Energy (DOE) na ang pagtaas ng gasolina ay dahil sa pagtaas rin ng mga negosyo at premium cost habang ang pagbawas presyo sa kerosene ay dahil sa oversupply.

Inaasahan na sa buwan ng Nobyembre ay magkakaroon ng bawas presyo ang mga produktong petrolyo dahil sa inanunsiyo ng Organization of the Petroleum Exporting Countries and its allies (OPEC+) na kanilang dadagdagan ang oil production ng hanggang 137,000 bareles kada araw.