Hiniling nina former President Rodrigo Roa Duterte at Sen. Bato dela Rosa sa Kataas-taasang Hukuman na mapigilan ang implementasyon ng ‘arrest warrant’ mula sa International Criminal Court.
Sa pamamagitan ng legal counsel ng petitioners, nagsumite ng ‘manifestation’ si Atty. Israelito Torreon sa Korte Suprema para mag-isyu ito ng T.RO. o Temporary Restraining Order.
Partikular na kanilang inihain via electronic filing ang ‘Very Urgent Manifestation’ with reiterative prayer for issuance of TRO or Injunction.
Kaugnay at alinsunod ito sa naunang isinumite na Petition for Prohibition laban kay Execetuive Sec. Lucas Bersamin at iba pa sa pagpapadala kay former President Rodrigo Duterte tungo The Hague, Netherlands.
Kabilang sa kahilingan nila na mapigilan ang mga awtoridad na maipatupad ang ICC warrant, red notice at surrender request laban kay Sen. Dela Rosa.
Hiling din ng kanilang kampo na utusan ng Korte Suprema ang Department of Justice at Department of Foreign Affairs na magsumite ng pahayag upang kumpirmahin kung mayroon na bang arrest warrant mula ICC.
Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Israelito Torreon, kanyang ipinagtataka kung bakit si Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang nagsiwalat ng impormasyon mayroon na umanong inisyu ang International tribunal na warrant of arrest.
Maaalalang pinanindigan ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na mayroon umanong inisyu na ang International Tribulan na arrest warrant laban kay Sen. Bato Dela Rosa.
Sa kasalukuyan, ayon naman sa Department of Justice ay may dalawang opsyon ito maaring gawin sakaling matanggap ang arrest warrant.
Posibleng extradition o surrender per se ang isagawang pagpapatupad sa kautusan ngunit aminadong ito’y kanila pang pinag-aaralan.
















