Reading Time: 1 minute

LA UNION – Inihahanda na ng pulisya ang kaso laban sa driver na nakasagasa at humatong sa kamatayan ng isang Swiss national sa bayan ng Bauang, La Union.

Nakilala ang naturang driver na nagmaneho ng kotse na si Harrison Sotelo, 41, residente ng Lal-lo, Cagayan.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Bauang Police Station, habang tinatahak umano ni Sotelo ang kahabaan ng national highway sa bahagi ng Barangay Paringao, Bauang ay nahagip nito ang dayuhang biktima na si Howald Robert Muller, 41, taga- Switzerland at kasalukuyang nanunuluyan sa naturang barangay.

Naisugod ang biktima sa pagamutan ngunit binawian din ito ng buhay dahil sa matinding pinsala na natamo nito sa katawan.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang reklamong maaaring kaharapin ng respondent driver sa piskalya.