Tatalakayin na ng kampo ni Pinoy ring superstar Sen. Manny Pacquiao sa susunod na taon kung sino ang kanyang haharapin sa pagbabalik nito sa boxing ring.

Target kasi ng Fighting Senator na lumaban at madepensahan ang kanyang WBA super welterweight title sa buwan ng Abril.

Ayon kay international matchmaker at MP Promotions President Sean Gibbons, sa pagbabalik ni Pacquiao sa bansa sa Bagong Taon ay agad nilang pag-uusapan kung sino ang nais nitong makasagupa.

Una nang lumutang sina Errol Spence, Shawn Porter at Danny Garcia bilang matunog na mga pangalan na susunod na katunggali ni Pacquiao.

Mayroon ding mga ispekulasyon na sasabak muli sa isang boxing match si Floyd Mayweather Jr. upang harapin si Pacquiao sa 2020.

Matatandaang nagapi ni Mayweather si Pacquiao sa isang blockbuster fight noong 2015 sa pamamagitan ng unanimous decision.