Ibinunyag ni suspended Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. na mayroong umanong order na nag-uutos sa immigration officers na agad siyang i-intercept o harangin sa oras na dumating ito sa Pilipinas.
Ayon kay Cong. Teves lumabas ang naturang kautusan bago maghain ng mga kaso laban sa kaniya.
Sa isang video, ibinahagi ni Cong. Teves ang umano’y order na nagsasaad na dapat maging alerto at maging vigilant ang mga personnel ng immigration para imonitor ang pagdating ng mambabatas.
Ang naturang order na nagmula umano kay Bureau of immigration Commissioner Norman Tansingco nakasaad na dapat makipag-ugnayan ang concerned officers sa law enforcement authorites.
Sinabi pa ng mambabatas na ang naturan order ay isang malinaw na indikasyon ng political prosecution at pagtatangka sa paglabag sa kaniyang karapatang pantao.
Binigyan diin pa ng mambabatas na sa kabila ng mga nakabinbing mga kaso, nananatili siyang inosente hangga’t hindi napapatunayang guilty sa mga paratang laban sa kaniya.
Iginiit pa nito na hindi dapat siya i-intercept, hulihin at ikulong.
AV suspended Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr.
Magugunita na nauna ng pinabulaanan at tinawag na fake news ni Cong. Teves ang claim ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na babalik ito sa bansa noong Miyerkules, Mayo17 kung saan isinabay ang paghahain ng murder complaints ng NBI laban kay Teves kaugnay sa pagpaslang kay Gov. Degamo.