NAGA CITY- Patay ang suspect sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad na nauwi sa isang armed confrontation sa Del Gallego, Camarines Sur.

Kinilala ang suspect na si Argem Targa , alyas “KING”, 32 -anyos residente ng Brgy. Aldavoc, Tagkawayan, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag alaman na una ng narecover ng mga otoridad ang isang large heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Kung saan matapos ang nangyaring armed confrontation ay agad namang isinugod sa ospital ang suspect para sa asistenysa medical ngunit ideneklara na itong dead on arrival ng mga doctor.

Samantala, muli namang isinailalim sa body search operation ang nasabing suspect, narecover dito ang walong heat sealed transparent plastic sachet, isang Black Widow revolver na mayroong tatlong live ammunition at dalawang empty shells.

Sa ngayon patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang kabuuang halaga ng nasabing ipinababawal na gamot.