Reading Time: 1 minute
Laguna Plane Crash2
Calamba plane crash/ Laguna PDDRMO

(Update) DIPOLOG CITY – Kinumpirma ng Corazon C. Aquino hospital na naka-schedule sana para sa isang operasyon ang pasyenteng kasama sa mga nasawi sa nangyaring plane crash kahapon ng hapon sa Brgy. Pasol, Calamba, Laguna.

Ayon kay Daffy Ramos, staff nurse ng naturang hospital, hindi umano pinayagan ng kanyang doctor ang pasyente na i-airlift dahil hindi nito kakayanin ang pressure habang nasa himpapawid, ngunit kagustuhan umano ng pamilya nito na agarang maoperahan.

Una rito kasama si Tom Laurence Carr, 72, isang Australian national at asawa nitong si Erma Carr na taga-Zamboanga del Norte sa siyam na nasawi sa pagbagsak ng air ambulance.

Napag-alaman na ang buong medical team ay mula sa St. Lukes Medical Center sa Taguig City, Metro Manila at pumunta ng Dipolog para sunduin ang pasyente base na rin request ng pamilya.

Sa dagdag na impormasyon nakalap ng Star FM Dipolog, nakabakasyon umano ang mag-asawa at nakatakda sanang bumalik sa Australia ngayong buwan.