Magsasagawa ng mga surprise visit ang PNP sa mga quarantine hotel at mga iba pang establisamyento sa ilalim ng Alert level 3.
Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, ito ay para masiguro na striktong nasusunod ang mga health protocols sa mga lugar na ito, alinsunod sa kautusan ni DILG Sec. Eduardo Año.
Ang direktiba mula sa DILG ay kasunod ng kontrobersya sa paglabag ng tinaguriang “poblacion girl” na si Gwyneth Anne Chua sa mandatory quarantine para sa mga balikbayan.
Sinabi ni Carlos na nakikipag-ugnayan narin ang PNP sa iba pang law enforcement agencies para sa imbestigasyon ng napaulat na pagsasabwatan ng mga hotel at mga balikbayan para makalusot sa mandatory quarantine.
Babala ng PNP Chief, walang sasantuhin ang PNP sa mga mahuhuling sangkot sa naturang gawain.
Samantala, sa nagpapatuloy na pag-iral ng Alert Level 3 system sa Metro Manila.
Inilabas ng PNP ang kanilang monitoring sa mga isinagawang granular lockdown.
Sa datos ng PNP JTF Covid Shield, nasa 20 households sa NCR ang nasa ilalim ng granular lockdown.
Sa nasabing bilang 14 dito sa NPD, isa sa MPD at lima sa SPD.
Ito ay kinabibilangan ng 45 individuals sa NPD, 1 sa Maynila at 11 sa Southern Police District.
Nasa 14 na lugar naman ang nasa critical zone sa NPD, tig isa sa MPD at SPD.