Binigyang pagkilalan ng Philippine National Police (PNP) ang sakripisyo, kagitingan at katapangang ipinakita ng mga bayani ngayong National Heroes Day.
Kinilala ng Pambansang Pulisya ang kanilang mga naging ambag upang matamasa ang kalayan, kapayapan at karangyaan na nararanasan ngayon ng kasalukuyang henerasyon.
Ito rin aniya ay araw pagkilala rin sa mga bagong bayani ng kasalukuyang panahon gaya na lamang ng pulis na nauunang rumesponde sa mga peligro, mga rescuers na matapang na sinusuong ang matataas na baha upang makapagligtas ng buhay at iba pang mga algad ng batas na tumitindig laban sa mga krimen sa kabila ng mga panganib na dala nito.
Binigyang diin rin ng PNP na sa gitna ng pagharap ng bansa sa mga problema gaya ng mga krimen, iligal na droga at maging mga resulta ng mga natural na kalamidad, ang bayan ay kumukuha ng lakas sa mga ginawang sakripisyo ng mga bayani na siyang nagtutulak sa bagong henerasyon na mahserbisyo ng buong husay, may integridad at may tapang.
Samantala, nanindgan naman ang PNP na patuloy na maninidigan sa kanilang sinumpaang mandato upang mapanatili ang kapayapan at kaligtasa ng mga komunidad kung saan magkakaroon ng maayos na pamumuhay ang bawat mamamayang pilipino.