-- Advertisements --
Patay ang nasa 20 katao kabilang ang limang journalist matapos na tumama ang airstrike ng Israel sa isang pagamutan sa Gaza Strip.
Nagtatrabaho sa iba’t-ibang outlet ang mga nasawing journalist.
Kinumpirma ng Israel ang pag-atake sa lugar subalit nagtataka sila kung bakit natamaan ang Nasser Medical Complex.
Ito na ang pinakahuling pagkakasawi ng mga journalist na nagko-cover sa Gaza kung saan base sa pagtaya ng Committee to Protect Journalists na aabot na sa mahigit 190 journalist ang nasawi sa 22-buwan na kaguluhan.
















