-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Surigao del Sur nitong gabi ng Miyerkules.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, na ang lindol ay tectonic in origin.
Ang epicenter nito ay 48 kilometers ng northeast ng bayan ng Hinatuan at may lalim ng 10 kilometro.
Naramdaman din ang intensity 5 sa Bislig Surigao del Sur, habang intensity 3 naman ang naitala sa Cagawait, Surigao del Sur.
Itinuturing ng Phivolcs na ang nasabing pagyanig ay isang afterschocks sa naganap na magnitude 7.4 na lindol na nangyari noon pang Disyembre 2, 2023.
Mula aniya noong Disyembre 2, 2023 ay mayroong mayroong halos 8,000 na aftershocks ang kanliang naitala.