-- Advertisements --

Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Bayanihan sa Estero na may temang “Malinis na Estero Pamayananan Protektado program” sa Ilugin River (Buli Creek) sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City Kahapon.

Layon ng programa na mabawasan ang epekto ng pagbaha sa tuwing nakakaranasa ng malakas na ulan.

Ito ay sa pamamagitan ng pag unclog sa mga drainage laterals sa Metro Manila,dredging waterways, pag-alis ng silt mula sa drainage mains at alisin ang mga accumulated solid waste.

Target ng pamahalaan linisin ang 23 natukoy na mga esteros.

Pinili ang mga nasabing Estero batay na rin sa naging impact nito sa mga karatig komunidad at ang kanilang proximity sa mga flood-prone zones.

Personal na tinunghayan ni Pangulong Marcos Jr. ang aktwal na pagsasagawa ng cleanup drive sa Buli Creek, kung saan inaalis ang mga water lily mula sa lawa gamit ang isang crane sa barges at pagkatapos ay niloload sa mga espesyal na dump truck.

Ipinakita rin sa Pangulo ang mobile recovery facility kung saan nakadisplay ang mga by-product na gawa sa water lilies tulad ng mga palayok ng liryo at mga charcoal briquettes, kasama ang mga recyclable na basura na nakolekta mula sa ilog, kabilang ang mga hollow blocks, plastic bricks at iba pa.

Binati rin ng Pangulo ang iba pang mga volunteers at mga tauhan ng MMDA na nagsasagawa ng sabay-sabay na cleanup drive sa apat (4) pang ibang lugar gaya ng Catmon Creek sa Lungsod ng Malabon, Pinagsama Creek sa Lungsod ng Taguig, Hagonoy Retarding Pond sa Lungsod ng Taguig, at Tapayan Retarding Pond sa Taytay, Rizal.

Sa kasalukuyan, mayroong 273 na itinukoy na ilog, mga sanga, estero at bukas na kanal sa metropolis na nagsisilbing pangunahing channel para sa pagdadala ng stormwater at mga baha sa buong National Capital Region (NCR).