-- Advertisements --

Naobserbahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nabawasan ang bilang ng mga sasakyan sa pangunahing kalsada mula ng sumipa ang presyo ng langis.

Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III, na maging ang daloy ng trapiko ay naging maganda sa mga nagdaang araw.

Nagiging marami lamang ang bilang ng mga sasakyan tuwing gabi bago ang pagpapatupad ng panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Nag-uunahan kasi ang mga motorista na magpa-karga sa kanilang sasakyan bago abutan ng panibagong pagtaas ng presyo ng langis.