-- Advertisements --
bar examinees SC 1

Pinalakas ng loob ng 2022 Bar chairman Associate Justice Benjamin Alfredo Caguioa ang mga kumukuha ng bar examinations na ‘wag manghina at ipagpatuloy ang pagtatapos ng pagkuha ng pagsusulit.

Ginawa ni Justice Caguioa ang panawagan sa pamamagitan ng video na inilabas ng Supreme Court matapos na mapaulat na daan daang mga examinees ang hindi na sumipot sa ilang bar testing centers dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan.

Nitong nakaraang linggo mahigit umano sa 800 ang absent na examinees mula sa mahigit 9,000 registered na unanang nagsimula sa mahigit na 10,000 bar hopefuls.

Ayon naman sa Bar chairman, ang kumukuha ngayon ng eksaminasyon na itinuturing na kabilang sa pinakamahirap na licensure exams sa bansa ay nangangahalati na dahil meron na lamang dalawang araw na natitira, ‘yan ay bukas November 16 at November 20.

Hiling din ni Justice Caguioa sa mga nagnanais na maging mga abogado na ‘wag susuko, ‘wag panghinaan dahil nalalapit na raw ang “finish line.”

At habang inaantay daw ito, sana manatili raw silang mag-self quarantine at sundin palagi ang mga health protocols.