Ipinanawagan ng Children’s Legal Rights and Development Center Inc. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaukulang tulong para sa lahat ng mga kabataang naulila dahil sa umano’y madugong war on drugs ng nakalipas na administrasyon.
Sa isang forum, sinabi ni Children’s Legal Rights and Development Center Inc. deputy executive director Atty. Pamela Camacho , sa ngayon ay walang programa ang gobyerno para sa mga batang naulila at natrauma dahil sa kontrobersyal na kampanya laban sa ilegal na droga.
Apela ng grupo na sana’y mabigyan ng tugon ang kanilang panawagan ng mga kasalukuyang naka-upo sa pwesto .
Parehong panawagan rin ang nais iparating ng grupo sa mga future leader ng bansa ngayong nalalapit na ang halalan.
Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development, aabot sa 18,000 children ang nawalan ng magulang mula sa anim na buwang pagpapatupad ng war on drugs noong 2016.
Binigyang diin ni Camacho ang importansya ng paglaban para sa karapatang pantao lalo na sa mga karapatan ng mga bulnerableng sektor .
Ang pagkaka aresto aniya kay FPRRD ay patunay lamang ng pagnanais ng mga pamilya ng biktima ,mga human rights organizations at mga human rights defenders na makamit ang hustisya para sa lahat ng biktima.