-- Advertisements --
Aminado si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr na nahihirapan ang gobyerno na makabili ng suplay ng Tocilizumab ang gamot na ibinibigay sa mga pasyente ng COVID-19.
Dagdag pa nito na naging limitado lamang ang suplay ng nasabing gamot sa ibang bansa.
Kinausap na rin aniya nito ang mga manufactures at ang Swiss ambassador kung saan sinabi nila na limitado ang kanilang mga produksyon.
Magugunitang maraming mga health experts ang inirerekomenda ang nasabing gamot para sa mga dinapuan ng COVID-19.
Ang nasabing gamot rin aniya ay ginagamit para sa rheumatoid arthritis.