-- Advertisements --

Sa Texas – Bumalik na ang supply ng kuryente at tubig sa ilang bahagi ng Texas matapos mawala sa loob ng ilang araw.

Inihayag ni Bombo International Correspondent Lea Lacs, na nakabase ngayon sa Boosterthon, Texas na kaninang umaga lamang sa Texas ay bumalik ang supply ng kuryente at tubig sa kanilang lugar.

Pero, kontrolado lamang ang kanilang paggamit nito upang hindi umano maranasan ang power supply shortage kaya madilim pa rin ang kanilang bahay at kanilang paligid.

Nasa negative four degree Celcius ang kanilang temperatura at pinapainit lamang ang kanilang bahay sa pamamagitan ng wood stove.

Matatandaang apat na araw na walang kuryente at tatlong araw na walang tubig ang halos dalawang milyong residente ng Texas.

Dahan-dahan na umanong natutunaw ang pitong pulgadang yelo sa kalsada pero delikado pa rin umano ang pagbyahe dahil sa madulas na daan.

Sa ngayon, umabot na umano sa 133 ang naitalang mga vehicular accidents at anim ang patay dahil sa sobrang lamig.