-- Advertisements --
Tiniyak ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na walang magaganap na kakulangan ng suplay ng asukal sa bansa.
Ito ay kahit na nagpatupad ng pagbabawal ng pag-aangkat ng hanggang kalagitnaan ng 2026.
Sinabi ni SRA administrator Pablo Azcona , na may sapat na suplay ng asukal ang bansa dahil sa katatapos lamang ng anihan nitong Setyembre
.
Kumpleto ang reserve stocks at mayroong kasalukuyang pag-aani ng ilang mga lokal na magsasaka.
May hakbang din silang nakalaan sakaling magkaroon ng kakulangan ng suplay ng asukal sa bansa.
Una ng ipinatupad ng Department of Agriculture ang pagbabawal ng sugar importation para matugunan ang problema ng mababang presyo ng asukal.