Hinahagupit na ng malakas na hangin na may kasamang ulan ang malaking bahagi ng Northern Luzon.
Bandang alas-3:00 ng hapon ngayong Setyembre 22, 2025, ganap nang nag-landfall ang Super Typhoon Nando sa Panuitan Island, sakop ng bayan ng Calayan sa Cagayan.
Ang pagtama ng mata ng bagyo sa nasabing lugar ay inaasahang magdudulot ng matinding pag-ulan, malalakas na hangin, at mapanganib na kondisyon sa mga karatig na komunidad.
Maging ang alon ng dagat ay nakitaan din ng mapanganib na sitwasyon.
Pinapayuhan ang lahat ng residente, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng storm signals, na patuloy na mag-monitor sa mga abiso mula sa DOST-PAGASA at lokal na 0toridad upang matiyak ang kaligtasan.
Manatiling alerto at maging handa sa posibleng paglikas, pagbaha, at iba pang epekto ng bagyo.
















