Walang kahirap-hirap para kay dating US Vice President Joe Biden na hakutin ang boto mula sa Florida, Illinois at Arizona, sa nagpapatuloy na Democratic primary elections ngayong araw.

Ang pagkapanalong ito ni Biden laban kay Senator Bernie Sanders ay malinaw na senyales upang ito ang maging front-runner ng Democratic party sa gaganaping 2020 US presidential election sa Nobyembre.

Mayroong 219 delegates sa Florida, 155 delegates sa Illinois, habang 67 delegates naman sa Arizona na may kabuuang total na 441 delegates.

Dahil dito ay mas madadagdagan ang pressure ni Sanders upang magdalawang isip kung itutuloy pa nito ang laban.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 1,147 delegates si Biden habang 861 delegates lamang ang kay Sanders.