-- Advertisements --
Itinanggi ng actress na si Sunshine Cruz na ito ay nakakaranas ng pananakit mula sa pakikipagrelasyon niya sa negosyanteng si Atong Ang.
Sa social media account nito, sinabi niyang peke ang mga lumabas na balita na ito ay nakakaranas ng pananakit pisikal.
Payo nito sa mga fans na huwag basta maniwala sa mga nababasa nila sa internet.
Noong Disyembre 2024 ng kumpirmahin ng negosyante na may relasyon sila ng actress.
Kasal ang actress sa actor na si Cesar Montano kung saan noong 2023 ay na-annulled ang kanilang kasal.