-- Advertisements --

Mahigpit ngayon na bineberipika ng Philippine National Police (PNP) ang ulat na nakalabas na ng Pilipinas ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang na itinuturong mastermind sa pagkawala ng mga sabungero.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr, na wala pang kumpirmadong ulat na nakalabas na sa bansa si Ang.

Base sa huling lugar na pinuntahan ni Ang ay sa Pilipinas subalit ito ay may katagalan na.

Naniniwala pa rin ang PNP Chief na nasa Pilipinas pa rin ang negosyanteng si Ang.

Mula ng ilabas ng korte ang warrant of arrest dahil sa patong-patong na kaso si Ang ay nagtago na.

Wala rin g naitalang record ang Bureau of Immigration na nakalabas na sa bansa ang negosyante.

Una na rin sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na kanilang namataan si Ang sa bahagi ng Cavite subalit ng tunguhin ng mga otoridad ay hindi na nila ito nakita pa.